Jose F. Lacaba Dumalaw sa Konggreso si Juan de la Cruz MAG-INGAT SA ASO sabi ng diputado Isang gabing madilim puno ng pangambang sumakay sa bus si Juan de la Cruz pusturang pustura kahit walang laman ang bulsa BAWAL MANIGARILYO BOSS sabi ng konduktora at minura si Juan de la Cruz. Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa nilakad ni Juan de la Cruz ang buong Avenida BAWAL PUMARADA sabi ng kalsada BAWAL UMIHI DITO sabi ng bakod kaya napagod si Juan de la Cruz. Nang abutan ng gutom si Juan de la Cruz tumapat sa Ma Mon Luk inamoy ang mami siopao lumpia pansit hanggang sa mabusog. Nagdaan sa Sine Dalisay Tinitigan ang retrato ni Chichay PASSES NOT HONORED TODAY tabi ng takilyera tawa nang tawa. Nagtuloy sa Malakanyang wala namang dalang kamanyang KEEP OFF THE GRASS sabi ng hardinero sabi ng sundalo kay Juan de la Cruz. Nang dapuan ng libog si Juan de la Cruz namasyal sa Culiculi at nahulog sa pusali parang espadang bali-bali YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED CASH sabi ng bugaw sabay higop ng sabaw. Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa naglibot sa Dewey si Juan de la Cruz PAN-AM BAYSIDE sabi ng neon. Humikab ang dagat na parang masarap sanang tumalon pero BAWAL MAGTAPON NG BASURA sabi ng alon. Nagbalik sa Quiapo si Juan de la Cruz at medyo kinakabahan pumasok sa simbahan IN GOD WE TRUST sabi ng obispo ALL OTHERS PAY CASH. Nang wala nang malunok si Juan de la Cruz dala-dala'y gulok gula-gulanit na ang damit wala pa rin laman ang bulsa umakyat Sa Arayat ang namayat na si Juan de la Cruz WANTED DEAD OR ALIVE sabi ng PC at sinisi ang walanghiyang kabataan kung bakit sinulsulan ang isang tahimik na mamamayan na tulad ni Juan de la Cruz |
"LITERATURE"
-
Sa Gabi ng Isang Piyon (In the Night of a Peon) is a Tagalog poem written by Lamberto E. Antonio in 1946. It is about the life of a Filipi...
-
***PHILIPPINE LITERATURE UNDER THE SPANISH COLONIZATION*** When it comes from the backgr...
-
Emmanuel Torres won the Outstanding Young Men award for literature in 1961, started the Ateneo Arts Club in the same year, and was curator o...
-
DEAD STARS by Paz Marquez Benitez THROUGH the open window the air-steeped outdoors passed into his room, quietly ...
-
The Boy Who Became a Stone Tinguian FOLK TALE One day a little boy named Elonen sat out in the yard making a bird snare, and as he worke...
-
assignment Ever wondered why there has to be a moon at night? Aren’t stars enough to light the skies at night? And with today’s technology ...
-
A New Yorker in Tondo by: Juan Torres "New Yorker in Tondo" is a classic Filipino Play by Marcelino Agana, Jr. It is a satire w...
-
Ang langgam ang pinakamasinop na insekto. Hindi siya tumitigil sa paghahanap ng pagkain para sa panahon ng tag-ulan. Ang mayabang ...
-
Igorot epic poetry After a long journey without feeling tired. Aliguyon had never been beaten in any fight or battle. He could catch an...
Friday, February 18, 2011
~Ang mga Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz~
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
My analogy:
ReplyDeleteJUAN DELA CRUZ here refer to Filipino.
My analogy:
ReplyDeleteWe can see in here the adventures of JUAN DELA CRUZ is just the same as our adventures in life.
We can see that poverty is really our main problem nowadays.
My analogy:
ReplyDeleteWe can see that there is a discrimination here.
My analogy:
ReplyDeletePoverty is the main reason why a lot of Filipino's are dying being poor.
My analogy:
ReplyDeleteUnemployment is also one of the main reason why Filipinos are still living in poverty.