~ Isang Dipang Langit~ Amado V. Hernandez Ako'y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko'y piitin, katawang marupok, aniya'y pagsuko, damdami'y supil na't mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi't walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki'y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo'y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo; kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon - bilangguang mandi'y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko'y dito mapipigtal. Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng di pagsuko. Ang tao't Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya'y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay... layang sasalubong ako sa paglaya! |
"LITERATURE"
-
Sa Gabi ng Isang Piyon (In the Night of a Peon) is a Tagalog poem written by Lamberto E. Antonio in 1946. It is about the life of a Filipi...
-
***PHILIPPINE LITERATURE UNDER THE SPANISH COLONIZATION*** When it comes from the backgr...
-
Emmanuel Torres won the Outstanding Young Men award for literature in 1961, started the Ateneo Arts Club in the same year, and was curator o...
-
DEAD STARS by Paz Marquez Benitez THROUGH the open window the air-steeped outdoors passed into his room, quietly ...
-
The Boy Who Became a Stone Tinguian FOLK TALE One day a little boy named Elonen sat out in the yard making a bird snare, and as he worke...
-
assignment Ever wondered why there has to be a moon at night? Aren’t stars enough to light the skies at night? And with today’s technology ...
-
A New Yorker in Tondo by: Juan Torres "New Yorker in Tondo" is a classic Filipino Play by Marcelino Agana, Jr. It is a satire w...
-
Ang langgam ang pinakamasinop na insekto. Hindi siya tumitigil sa paghahanap ng pagkain para sa panahon ng tag-ulan. Ang mayabang ...
-
Igorot epic poetry After a long journey without feeling tired. Aliguyon had never been beaten in any fight or battle. He could catch an...
Saturday, February 5, 2011
‘’Isang Dipang Langit’’
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
My analogy:
ReplyDeleteWeeping is the only thing that the prisoner can do at this moment.
My analogy:
ReplyDeleteBut no matter what he is experiencing now, he still have this hope that someday the freedom that he is longing to achieve will happen soon.
My analogy:
ReplyDeleteRelying and depending on God is his armor.
My analogy:
ReplyDeleteHe still have hope that someday there will be turning of table.
My analogy:
ReplyDeleteFreedom and liberty will soon he experienced.